23 November 2012

Learning through another travel blog of this cheap accommodation with overnight stay in the standard fan room good for 4 at 1,500 pesos only, we decided to contact Tita Ester. Our trip coincided with the town fiesta hence Tita Ester said the rent rose to 1,700. We haggled a bit over the phone so she said she can give the room for 1,600 and food will be free since fiesta naman daw. Winner! When we got there she brought us to the aircon room. Naisip ko, fan room lang pinareserve ko, baka hindi naman papagamit yung aircon. When we were all settled, that's when she offered for us to use the aircon for an additional 400 peso charge claiming that it is warmer at night. Nag-agree na lang ako.
Veranda
The room had one queen-sized bed and a single bed. Akala ko good for 4.  May plus one pa kami kasi may isang nadagdag na kasama. Inisip ko na lang baka magbibigay ng additional matress. They gave us caldereta, menudo and another pork viand plus rice which we ate at the balcony. Nam nam! Libre eh. Tita Ester was accommodating naman. She sat with us through dinner and told stories in the native language at a very fast pace na medyo hindi ko na nasundan kaya nagfocus na lang ako sa pagkain. :P She doesn't speak tagalog though I think nakakaintindi siya. Basta yung kwento niya merong tungkol sa simbahan malapit sa kanila, si Papa Joseph, yung Baby Jesus tsaka parang nagmilagro sa kanya.

After dinner, she asked us what we wanted for lunch the next day to our amusement. Sabi ko, hindi pa nga ako makalakad sa busog, nagtatanong na ng susunod na kakainin :P Na sinagot naman namin ng "seafood na lang po tita." Pakapalan na to since she offered. To which she responded with a smile that she would send someone to get bangus and squid which she can grill. Yey!
Shore in front of Ester's Homestay
The beach in front of the accommodation is a bit disappointing though. Parang bato at burak yung nasa side na yun. Hindi ka makakaligo unless masokista ka at gusto mo ng nasasaktan. 

Mga 5 minute walk lang naman papunta dun sa side na maganda ang beach kung san madami ding cottages. Dun kami nagswimming ng bongga. Madaming party people dito pag gabi. Meron pa ngang mga nagyaya ng shot samin at libreng movie sa kanilang wide-screen projector by the beach. Bonggels! 
Dagat Bliss.
Sea shells by the sea shore.
Pag gabi tumataas yung tubig kaya halos mawala na yung buhanginan na lalakaran papunta dun sa magandang beach. May dadaanan kayong part na ganito. Maganda lang sya tignan pero natural, masakit apakan. Hahahaha. Pero malalakaran pa naman. Nalakaran nga namin kahit lasing kami kakahanap ng pagkain. Hehe. Wala na kasi yung tira naming food pagkabalik namin galing beach. Err, kinuha nila ulit. No additional matress was provided. Nagsiksikan kaming tatlo dun sa queen-sized bed tapos yung dalawa naman dun sa single bed. Ok na yan, mga lasing naman na. Wala ng lakas umangal.

Far right side.
Yung pa-right side naman kapag nakaharap ka sa dagat medyo ok din yung shoreline. Dun yung tahimik na part kung gusto mong mag-emote-emote.

After snorkeling the next day we were all looking forward to THE SEAFOOD LUNCH. We were back at around 11am and was eagerly waiting for the food since we only had sikwate (native hot chocolate) and puto before we snorkeled. I was about to ask tita about the food but my friends said "Nakakahiya. Baka sabihin libre na di pa tayo makaantay." Kaya sige, pinatahimik ko na lang ang mga bulate ko. 
Hungerness.
Tignan niyo naman ang mga kasama ko, ang aga-aga pa mga low batt na. Hahaha Julala sa gutom. An hour passed with us sitting at the balcony munching on steamed kamote.  Di na ko nakatiis, patay- gutom moment na talaga kaya sabi ko "magtanong na tayo". We were to leave for Kawasan falls at ayoko gabihin. Ang sagot ni tita in the native dialect parang, Naku bili na lang kayo ng pagkain niyo, madami dun sa dulong mabibilhan. Hindi na  ako nakaluto kasi walang mautusan bumili ng isda. O_O HUMAYGAD. Muntik na ko mag-kolap. Hindi ko alam kung mali ba na hindi kasi kami nagtanong o kung yung hindi niya agad sinabi na walang pagkain katulad ng napag-usapan kagabi. Imahinasyon lang ba ang pag-uusap na yun? SINO ANG TUNAY NA NAG-KATOL, PRE? Kami ba o si Tita?? Chos. Anyway, ayun. Umalis kaming luhaan.. At nangangatog ng onte. May pakonswelo naman siyang nilagang kamote pero si Tita ay parang failed relationship lang, paasa slight. Haha :P
Sunrise in Moalboal
O siya, move on na. Madami namang pabaon na good vibes eh. Thank you Moalboal!! =)
Dagat is.. 
Ester's Homestay - +63927-578-5983

P.S. Yung salamin na nakasabit sa wall sa mismong tapat ng toilet, medyo naging sanhi ng constipation ng mga friends ko. Hindi ko sasabihin kung bakit. Pero pag pinilit...... Hahahahaha

0 Sunsets: