28 November 2012

Byaheng Wala Lang

Nakasakay ako ng jeep. Sa kaliwang side may nakaupong apat na pasahero. Sa side ko naman may nakaupong mga anim. Bilang na bilang ko sila kasi medyo masikip na sa side namin samantalang sa kabila, parang pang-photo-op lang ung mga upo nila.. May sumakay na ale. Medyo may edad na. Saktong pang-maalagang-nanay na edad.. Mga 54-57 gnun.
"Hindi siya yung ale pero wala na kong mahanap na picture sa jeep, ok." Haha
May mga dala siyang plastik na kung ano-ano ang laman. Mukhang namalengke yata. Paupo na siya dun sa bandang kaliwa nung biglang umurong yung isa, medyo natamaan niya ung umurong kasi nga paupo na sana siya sa pwestong yun. Tinignan siya ng msama nung nag-mama-asim na dalaga. Parang nabadtrip ako kasi banas talaga ako sa mga nagcocommute na saksakan ng mga arte sa katawan. Pag ganun na hindi ka marunong umasal ng tama eh iha, dapat nagtaxi ka. O kaya naglakad. Nakakaganda ang paglalakad. Ng paluhod.

Balik sa ale, lumakad n lang siya papasok pa ng jeep. Medyo natapilok pa siya sa nakahambalang na payong. Pagkaupo niya nagkatinginan kami tapos huminga siya ng malalim, halatang pagod. Tapos ngumiti siya sakin. Ngumiti na din ako sa kanya. Nagngitian kami na parang mga tanga.

Hindi ko alam pero sumaya ako ng mga oras na yun. Gusto ko kasi yung ganung mga eksena eh. Gusto ko yung ganung pakiramdam. Yung prang may secret kayong joke ng isang hindi mo kakilala. Yung parang pinagtatawanan niyo yung mga nakakabanas na nangyayari at mga kontrabida pero hindi niyo na kailangang pag-usapan.

Gusto ko yung ganun. Hindi kayo magkakilala pero parang kaibigan mo na siya.

0 Sunsets: